start your own blog now!
 
Read other blogs...

tiny and thin

literature and politics

B u t t o n s

C o u n t e r

visited *loading* times

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

 
Sunday, 28 November 2004
Mga Paghihiwalay

Salin ng tula ni Eduardo Galeano

Ang sistema nati'y yaong mga paghihiwalay: upang pigilan ang mga taong binusalan para magtanong, upang pigilan ang mga hurado para humusga, upang pigilan ang mga taong nag-iisa para magkaisa at ang kaluluwa para pagtagniin ang pira-piraso niyang sarili.

Hinihiwalay ng sistema ang pagdama mula sa diwa tulad kung paanong hinihiwalay nito ang pagtatalik mula sa pag-ibig, pribadong buhay mula sa publikong buhay, nakaraan mula sa kasalukuyan. Kung walang kinalaman ang kahapon sa ngayon, magpapatuloy lamang ang kasaysayan sa kanyang paghimbing sa baul kung saan itinatago ng sistema ang luma nitong mga pagkukunwari.

Binubura ng sistema ang ating mga alaala o kaya nama'y pinupuno ito ng basura, kaya tinuturuan tayo nitong ulitin ang kasaysayan sa halip na likhain ito. Inuulit ng trahedya ang kanyang sarili bilang bulaan, ang anunsyo ng hulang tanyag. Ngunit sa atin ay higit na masahol: inuulit ang trahedya bilang isa pang trahedya.









Posted by: ronalyn at 04:57 | link | comments |

Wednesday, 24 November 2004
hacienda luisita 2

Matapos paslangin ang mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita

Nanawagan si Cory sa lahat na manalangin para sa kapayapaan


Matapos paslangin ang mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita

Akusasyon ni Noynoy, NPA ang dapat na sisihin


Matapos paslangin ang mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita

kung hindi raw lumabag sa batas ang mga biktima, naiwasan sana ang trahedya


Matapos paslangin ang mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita

Hindi pa rin magbibitiw sa pwesto si Patricia Sto. Tomas,

hindi naman daw siya ang kumalabit ng gatilyo


Matapos paslangin ang mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita

Magiting pa ring nakatindig ang piketlayn


Matapos paslangin ang mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita

Hindi igagawad ng sinumang diyos ang kapayapaan, Gng. Cory

Walang batas na mas mataas sa tunay na katarungan, Kris

At, oo, Noynoy, sumumpa ang NPA na parurusahan ang mga salarin.






Posted by: ronalyn at 00:20 | link | comments (5) |

Tuesday, 16 November 2004
hacienda luisita

Naluklok noong 1986 si Cory Aquino dahil sa pag-aalsa ng mamamayan.  Ipinatupad niya ang Comprehensive Agrarian Reform Program.

Sa sarili niyang asyenda, hindi lupa ang kanyang ipinamahagi sa mga magsasaka at manggagawang bukid kundi kapirasong papel na nagsasaad na sila ay stock holders na ng korporasyong Hacienda Luisita.

Nobyembre, taong kasalukuyan, nagwelga ang dalawang unyon sa Hacienda Luisita.  Ang kanilang hiling--itaas ang sahod, ibasura ang stock distribution option.  Maniwala man ang lahat o hindi, P9.50 tuwing kinsenas-katapusan lamang ang natitira sa sweldo ng mga naturingang stock holders ng korporasyong P8 milyon ang kita bawat araw sa panahon ng anihan.

Sa telebisyon, buong giliw na ipinagmamalaki ni Kris Aquino, habang tayo'y inaaliw ng showbiz balita, na ang kanyang mga alahas ay katas ng Hacienda Luisita.  At ang kabayo ni Mikee ay nagkakahalaga ng P38 milyon lamang bawat isa.

Kahapon ng hapon, pinaulanan ng bala ang mga magsasaka at manggagawang bukid.  Apat na ang kumpirmadong patay.  Higit isang daan ang nasugatan.  Sa balita rin kanina, itinanggi ni Noynoy Aquino ang pandarahas ng militar.  Hindi naman daw gumamit ng tear gas at ang mga welgista ang nanguna sa gulo.  Ngunit hindi, hindi nagsisinungaling ang mga kuha ng kamera.  

Posted by: ronalyn at 19:22 | link | comments (1) |

Saturday, 13 November 2004

ANG MGA WALANG-WALA

Malayang salin ng tula ni Eduardo Galeano

Nangangarap ang mga garapatang makabili ng kani-kanilang mga aso, at ang mga walang-wala ay nangangarap makatakas sa kahirapan:isang milagrong araw na uulanin sila ng magandang kapalaran--uulan nang balde-balde. Ngunit ang magandang kapalaran ay hindi darating kahapon, ngayon, bukas o kailan pa man. Ang magandang kapalara'y hindi babagsak tulad ng pinong ulan, anumang pagsusumamong gawin ng mga walang-wala, kahit nangangati pa ang kaliwa nilang palad, o kahitsimulan nila ang bagong araw ng tamang hakbang o simulan ang bagong taon ng pagpapalit ng walis-tambo.

Ang mga walang-wala: mga anak ng mga walang-wala, mga may-ari ng wala, ang mga nawalan, ang mga walang anuman, tumatakbong parang mga daga, namamatay habang buhay, isinumpa sa bawat pagkakataon.

Ang mga hindi ngunit maaaring maging

ang mga walang lenggwahe ngunit may diyalekto

ang mga walang relihiyon ngunit may pamahiin

ang mga hindi lumilikha ng sining ngunit yaring kamay

ang mga walang kultura ngunit may awiting bayan

ang mga hindi tao ngunit lakas-paggawa

ang mga walang mukha ngunit may armas

ang mga walang pangalan ngunit may bilang

ang mga hindi mababasa sa kasaysayan ng mundo kundi sa police blotter ng lokal na diyaryo.

ang mga walang-wala, ang mga hindi karapat-dapat sa balang pumapatay sa kanila.

Posted by: ronalyn at 10:44 | link | comments |